Monday, December 9, 2013

"Ikaw at Ako" ni Makata Manika

IKAW AT AKO
 by: Makata Manika



Sabi nila, hindi raw tayo para sa isa't isa
Sumpaan ay walang silbi, pagkat tayo ay magkaiba
Ngunit sadyang nanunubok itong pagkakataon
Pintig ay di maitago sa tuwing tayo'y magkakasalubong

Aking narinig sa iyong mga tingin
Paraan sa mundo na dapat simulang gawin
Upang ang "ako at ikaw" natin
Sa huli ang siyang laging magkapiling

Tanging sambit ko sa iyo;

Iingatan ko, ang iyong mga ngiti
Pupunuin kita, ng aking mga halik
Mamahalin kita, ng labis sa tuwina
Dadamayan kita, sa lahat ng eksena

Yayakapin kita, ng buong paglalambing
Aawitin sa iyo ang mga himig natin
Hahawakan kita, malapit sa aking puso
Upang pag-ibig na natin ay hindi maglaho

At kung di sinasadyang tayo'y magkalayo
Kailanman ay hindi makalilimot
Sumpaan at pag-ibig natin, mahal ko
May naging ikaw at ako, giliw ko...


11.26.13 / 8:28pm
liriko ni manika
~nang makasabay ang masungit na ginang~

No comments:

Post a Comment